Mata-mataya
Nagmamata-mataya sila Anton.Sa bersyon nila, pwedeng pumili ng alias ang bawat isa. Pero ang balagoong, sila ang nagbinyag. Black Gloria ang napili nilang alyas nung batang laging taya. Maya-maya, gusto nang umuwi ni Black Gloria. Napoo-poopoo daw. Teka, sabi ni Anton kay Black Gloria. Magdeklara ka muna ng state of emergency! Kaya pormal na ipinatupad ni Black Gloria ang state of emergency at mabilis na nagbanyo. Nabuwag at nagsiuwian ang barkada. Si Anton, kuwento ng kuwento habang naliligo. Tawa naman ako ng tawa habang kinukuskos ang marumi niyang siko.
16 Comments:
hahaha, miss ko na kayo.
oo nga naman emergency yun.
waaa miss ko na rin kayo * sniff*
Hahahahaha! Pangdagdag sa mga Anton stories.
nyehehe. correcion, "Dark" Gloria pala daw ung alyas, sabi ni anton :)
at correcTion pa uli. hehe
iba na talaga pag marunong nang magbasa ang mga chikiting gubat. baka mamaya eh blogstalker ko na rin ang jonakis ko. may kilig moment sa klase ni LA Lopez nung biyernes...err..tinawag niya AKONG maganda sa harap ng buong klase. kaloka mahver! sinabi pa niya yun in a sentimental sort of pamamaraan. tipong sobrang seryoso. ewan. bahket, bahket siya ganun!!! mahal ko na siya!
haha! ang kyut-kyut naman!
uy, dito nagrereunion ang dalawang highschool batchmates.. heheh. birung, dats ryt - "cute-cute." mashado na siyang malaki para sa simpleng "cute" lang. at ging, kaloka. kaingget. un lang.
kaloka nga eh! harhar. yang "birung" na yan, hindi na namatay forever! gwahahaha!
weheheh! ginoogle ko na nga ung totoong birung eh, katabi nya ang name mo! hehe
haha! kwento mo kay anton may bagong balaj pinoy video game tapos andun daw si gloria at ang special power niya ay pagdeklara ng martial law.
truly? makahanap nga ng kopya... hehe :)
dota daw yun. magdota naman tayo sa kule. gumagana na pala uli yung tv. makapagdala nga ng playstation.
ngayon ko lang nabasa uli 2ng mga komento. kaloka! baka isipin nung totoong birung idol ko sya! hindi ako ang may kasalanan nito, sina gappi at isa pang dating tibak na wala na ngayon. iniwan nila sa akin ang curse.
from now on, please call me...adarna. hehe
lolapalooza, may asawa na si LA Lopez! or so his friendster profile says. ngekkk
hi dada, pinost ko na. tapos nilagyan ko na rin ng title. :-)
Post a Comment
<< Home