black coffee, blue morning
sabado. 3 a.m., shaw crossing overpass. dalawang kulay-langit na step-in sa railing ang naiwan nang tumalon bumulusok pababa at saktong sumalpok sa rumaragasang trak ang taong minsang nagmay-ari dito. napahiyaw ako nang makita ko ang wasak-wasak na laman sa kahabaan ng EDSA - mas durog pa sa giniling, mas maayos pang titigan ang tinadtad na karne sa palengke.5 a.m., rooftop sa kalagitnaan ng dalawang siyudad. dumating ang text, "da patay na si T (matalik na kaibigan at pinsan ni E)." kinuwento sa akin ng nanay ni T, sa taxi papuntang ospital binawian ng buhay ang 30 anyos niyang anak na may cancer. tinanong daw ng taxi driver kung ano'ng tunay na pangalan ni T. sabi ng driver, "robert francis, pasensiya na ha, ginawa ko talaga ang lahat para madiliin ang biyahe pero, di talaga umabot e, naunahan tayo sa pagsundo."
6:45 a.m., balara commune. morning ritual 01. ang isang umagang walang kape ay para ring pagtulog.
i had some dreams
they were clouds in my coffee
clouds in my coffee
5 Comments:
mahder, asteg ng gupit mo a. punk na punk. hinahangad ko rin magpagupit ng isang far-out na gupit pero mas prefer ko yata ang mala diyosa/white lady na buhok. hmmm... sinong hair and make up mo mahder?!?!
I'd like to thank Benrey Densing for my hair and sleepless nights for mah makeup!
- dadadi
hehehe. dapat magtayo na ng parlor si bheng!
true ba itong nakitang mong suicide? harsh.
yez mumi. superbly heygz noh? :(
Post a Comment
<< Home