Kung Paano Mo Isasalba Ang Sarili Mong Buhay
Target ngayon ni Antonio Amador: patampukin ang erotic fiction sa Filipino. Kaya't ilalabas ang unang serye ng erotikong mga nobelang ito ngayong Hulyo. Ibig sabihin, kailangan kong matapos ang final draft ng Mayo 15. Nyay. Me naalala tuloy akong joke.Lalaki1: Katapusan na!!!!
Lalaki2: Ano'ng katapusan? E a-kinse pa lang 'no!
***
Excerpt:
Chapter 1
Kung Paano Mo Isasalba ang Sarili Mong Buhay
Noong gahasain si Maya ni General Juan Kapalaran, nanonood si Chris. May nakatutok na .45 sa sentido nito. Nakaposas ang mga kamay at balot ang halos buong mukha ng packaging tape. Halos buong mukha, maliban sa mga mata nito.
Ang ganda ng mga mata ni Chris, putsa. Pag tinititigan niya ito, nakikita niya ang mito ng bughaw na langit at asul na karagatan. Sumasakay siya sa puting mga ulap. Dinuduyan siya ng malalambot na mga alon. Pag tinititigan niya si Chris, pakiramdam ni Maya nakainom siya ng malamig na malamig na tubig matapos ang napakatagal na pagtakbo. Malamig ang lupa sa kanyang mga paa. Malambot ang mundo sa talampakan niyang hapo. Sino’ng mag-aakalang ang hayup sa gandang mga matang iyon ay makakasaksi ng ganun kasahol na mga pangyayari?
Ang naaalala niya’y habang ginagahasa siya ni General Kapalaran ay nakatiwangwang ang malalaking bintana ng kanilang inuupahan, at kitang-kita ni Maya, ang umaga ay indigo noong araw na iyon. Noong umagang iyon, isang sobre ang nag-landing sa kanyang paanan, pagkabangon niya mula sa panaginip, pagkabukas niya ng pintuan.
Naisip ni Maya, inabot sila ng magdamag ni Chris pero pwede palang managinip kahit di natutulog. At noon ring araw na iyon, napatunayan niyang pwede rin palang bangungutin ang isang taong gising.
Binayo siya ng binayo ng Heneral. Amoy na amoy ni Maya kung gaano kabaho ang hininga nito, na parang may nabubulok na laman sa loob ng kanyang katawan. Nilalapit nito ang bunganga nito sa mukha ni Maya habang bumabayo, at matalim at paulit-ulit na binubulong, “Puta ka talagang puta ka.” Pinagduduraan siya sa mukha ng Heneral.
Pakiramdam ni Maya, nahuhulog siya. Nalulunod. May hukay. Nakakakain siya ng malamig, magaspang na lupa. May balon. Napupuno ang baga niya ng malamig, magaspang na tubig. Hindi siya makahinga. Hindi siya makaahon. Hindi siya makapalag.
Ang kaso, kumapit si Maya. Tinitigan niya ang mga mata ni Chris, na nakatitig rin sa mga mata niya. Para ngang di na nakikita ni Chris ang mga pangyayari – ang Heneral, ang na-ransack nilang kuwarto, ang mga basag na gamit, ang wasak nilang buhay, ang baril sa kanyang sentido. Sa tindi ng titig ni Chris, parang mga mata lang ni Maya ang nasasakop nito. Tumingin siya sa mga mata ni Chris. Sa tindi ng titig ng kasintahan, naging kongkreto ito’t solido, lubid, o anchor, o batong nakausli sa bangin, na kinapitan ng mahigpit ni Maya na parang sa titig nakasalalay ang kanyang pagkasalba.
Dinuraan siya ng Heneral sa mukha. Napapikit siya sa lagkit ng laway sa kanyang talukap, na dumausdos sa butas ng kanyang ilong. At pumikit siya ng mariin na mariin hanggang sa hindi niya namalayan, nakaraos na pala ang Heneral. Bumitiw siya sa kapit ng titig ni Chris. Bumitiw siya sa matayog na mga ulap at marangyang karagatan. Binitiwan niya ang basong may malamig na malamig na tubig na iinumin matapos ang matagal na matagal na pagtakbo. Bumitiw si Maya sa kapit ng titig ni Chris at hinawakan ang sariling mga kamay. Unti-unti siyang nakahinga.
Alam ni Maya, pinagmuntik-muntikanan na siya. Antalas pala talaga ng kutsilyo kapag umupo ka sa mismong talim nito. Oo naman, may mga pagkakataong tinulay na niya ang sariling hukay. Ang kuwento, kung naisalba ba na niya ang sariling buhay.
1 Comments:
pag natulay mo na pala ang manipis na lubid, at naisalba mo na ang buhay mo sa yugtong iyon, anung sarap palang lingunin ng mga panahong pinagmumuntik-muntikanan ka.
at ang panunumbalik ay pinaghuhugtan natin ng lakas sa mga araw na muling dadalaw ang panglaw, sa mga araw na muli tayong tatayo sa gilid ng bangin.
hay dada, miss ko na ang mga kwento mo, at ang mga pagpuslit ko ng dalaw sa iyong uniberso. super belated happy bday kay anton.
Post a Comment
<< Home