Monday, February 26, 2007

KABATAAN Partylist Video

Kabataan, tagapagmana ng bukas, tagahulma ng kapalaran, pag-asa ng
bayan: Panahon na para sumuway at maging mapangahas.

Sumuway sa kasalukuyang ayos ng karahasan. Magpumiglas laban sa lupit
ng kahirapan. Sumalungat sa karaniwang agos ng kawalang pakialam.
Ituwid ang tiwali, iwaksi ng bulok, ipagtanggol ang mga api.

Kabataan:
Magtanong
Maghamon
Magtangka
Makisangkot.

Kailangang mag-aral hindi lamang sa loob ng paaralan, maghanapbuhay
upang maunawaan ang halaga ng paggawa, maghabol ng mga pangarap,
makapagsilbi, makilala ang sarili, maging makabuluhan sa lipunan.

Kabataan, kailangang magpatuloy.

Kailangang pumadyak. Kailangang kumampay. Kailangang huminga. Sa oras
ng pagkagipit nakakakuha ng lakas ang kabataan para lumangoy.
Nakakagalit ang mga nagaganap: Katiwalian, kahirapan, kawalang
katarungan. Pero ang galit natin ang ating armas.

Tulad ng ng ating mga bayaning nagsilbi sa kapwa at nag-alay ng buhay
para sa bansa:

Kung kailangang nasa bingit at pinagmumuntik-muntikanan, doon tayo
lalong nagiging matalas at mas mapangahas.

Dahil sa simula pa lang naman ng ating kasaysayan: Alam nating
nakakamit lang ang pagbabago kung iniluwal ito mula sa pinakamagiting
na pag-iral at pakikipaglaban ng kabataan.

Kabataan, pag-asa ng bayan. Walang ibang tagapagmana ng bukas kundi
tayo. Walang ibang huhulma ng bukas kundi tayo.

Kabataan, panahon na para sumuway at maging mapangahas.

Ngayong eleksyon, susuway tayo sa dikta ng kawalang-pakialam at
kawalang-katiyakan. Hindi tayo magkikimi ni hihingi ng paumanhin. Ang
pagsuway ay isang pagpapasiya. Ang pagsuway ay pagpanig. At pagkitil
sa pangit na kabilang hindi natin pinili. Ito'y pagkikipagtitigan sa
mata. Ito'y paniningil at pagtiyak sa ating mga karapatan. Ito'y
pagtangan sa papel natin sa pagbabago.

At paghamon sa sarili upang kumilos tungo sa isang mas makatao at
makatarungang mundo.

Kabataan:
Magtanong
Maghamon
Magtangka
Makisangkot.

Sunday, January 14, 2007

Sorry for the inconvenience

Panis na ang lahat ng naisip kong i-post sa blog na ito, lalo na ngayon andami sanang photos. Minsan kasi parang diva-divahan masyado dito. Deadpan (tulad ko raw sa totoong buhay), kahit sa pinaka-personal at intimate na mga kuwento. Well well well. Dahil bagong taon, may ibabahagi akong dalawang sikreto kung bakit di nau-update ito: (1) mayroon ako ngayong addiction (affliction?) na very select few lang ang nakakaalam; at (2) sa totoo lang, meron talaga akong isa pang blog na aliw na aliw na aliw ako sa titulo. Doon ko nilalagay ‘yung tipo ng mga istoryang hindi ko ikukuwento, unless naka-tatlong istik na ako. At ang raunchy ng posts pare (hahaha asa pa). Pero sikreto muna (maliban sa lurkers). You see, merong security issues... hehehe feeling.

Naalala ko sa title ng post na ito ‘yung book launch ko noong high school. Ang title ng programa, ‘sorry for the inconvenience.’ Bukod sa ibang seryosong mga katwiran sa likod ng titulo, naisip naming swak rin kasi kailangan pang sumadya ng mga tao at mga taga-makiling sa dreams cafe sa malate para sa launch (weno, naka-coaster naman sila c/o CCP). At aliw kami noon dun sa isang kanta ng agaw agimat kung saan sa simula, sisigaw si QT ng “Sorry for the inconvenience, this is where your taxes go!” Cut & pasted & xeroxed pa ‘yung program notes, na si Kerima ang gumawa. Ginawan din niya ako dun ng illustration, itsura ko noong high school: black shirt, OA sa aksesorya (singsing each finger, 3 earring each earlobe, bracelets, beads, etc) cutoff denim shorts, may anklets, naka-paa, at di-sinusuklay ang mahabang nakalugay na buhok.

May nagbasa ng mga tula. Tumugtog ang mga kaibigan namin ng mga kanta mula sa mga tula sa libro. Nag-ballet sina Donna Miranda at Nina Hayuma Habulan sa ritmo ng tula ko tungkol sa paghahayuma ng mga mangingisda. Pagkatapos, nag-inuman kami. Nalalasahan ko pa ‘yung Japanese tea cakes na binigay sa akin ng may-ari ng bar. Wala akong manners nang pinasalamatan ko lang thru the waiter at di man lang inanyayahan sa aming mesa, a few seconds lang ako chumika sa table ng supportive friends & collegues ni Papa, di man lang nagpasalamat nang ireview ako ni Juaniyo Arcellana at marami pang ibang kagagahan. Itong mga taong ito, sa susunod na mga taon, ay bibigyan kami ng breaks at hanggang ngayon nangingiwi ako kapag naaalala ko ‘yung katangahan, kaarogantehan, kalituhan at sobrang kaligayahan ng aking 15-year-old self.
Photobucket - Video and Image Hosting
Minsan (madalas?) nagre-resurface ang 15-year old. At in a few weeks, birthday ko na. At in a few more years... You know what they say about the Big 3-0. All that wisdom, sophistication, the peak of sexuality and getting away with it.

Teka. Anu'ng pinagkaiba nun sa kinse anyos?

Wednesday, December 06, 2006

carte da trionfi

1. malalang pagkakasakit/kamatayan sa dalawang matatandang lalaki sa pamilya/kaanak.
2. ang panganay, biniyayaan ng sobrang creativity at talent at napakaraming gustong gawin; ang ikalawa, unti-unti pero magugulat kayo sa kanyang pamumukadkad; ang ikatlo, magiging pangunahing leader/political figure, at ang bunso, ay magdadala ng napakalaking impluwensiya at pagbabago sa lipunan.
3. isang marangyang pag-iisang dibdib ng dalawang mula sa ibayong dagat.
4. may apo ka na ba? (meron) may darating pang isa, at labis na suwerte ang dala nito sa inyo.

:ito ang natatandaan kong mga punto noong humarap sa tarot cards si mama nits sa newsdesk isang biyernes ng gabi dalawang linggo ang nakaraan. nangyari na ang #1 at #3. ang #2, papandayin pa ng kasaysayan. at ang ikahuli? nagtuturuan na kaming magkakapatid ngayon. :b samantala, nakilala ko si La Papessa.



You are The High Priestess


Science, Wisdom, Knowledge, Education.


The High Priestess is the card of knowledge, instinctual, supernatural, secret knowledge. She holds scrolls of arcane information that she might, or might not reveal to you. The moon crown on her head as well as the crescent by her foot indicates her willingness to illuminate what you otherwise might not see, reveal the secrets you need to know. The High Priestess is also associated with the moon however and can also indicate change or fluxuation, particularily when it comes to your moods.


What Tarot Card are You?
Take the Test to Find Out.

Tuesday, November 28, 2006

Trahedya sa Grade III-Eagle

trahedya
trahedya,
originally uploaded by pia ipil.
Itinuturing kong beterana na ako sa mga bulilyaso, pero nalagay ako sa lugar nang pumasok sa ER ang nanay ni Roger.

Tinahi ang ulo ni Roger, isang stich. In-Xray at under observation, every 3 hours kelangang gisingin ang kawawang bata. Nangyari ang lahat sa loob ng tatlong oras. 5:30pm tumawag si E. Kapapatay lang niya ng yosi niya at papasok sa gate ng eskwelahan para sunduin na si Anton. 5:35pm tumawag uli: Putok ang ulo ni Bespren Roger, tinulak kase ni Anton.

Atak si E, Anton at Roger sa ER. Salamat sa Sun 24/7, lahat ng desisyon at kaganapan itinatawag sa kin, dahil takot sa dugo at tanga si E, at ako ang 'beterana' sa aming dalawa. Pero tatlong beses pa kong binagsakan ng telepono at cellphone pagtawag ko sa mga magulang ni Roger, bago sila finally nakumbinseng trobol talaga ang anak nila, c/o anak ko. "Hello? Mommy po ako ng kaklase ni Roger, may nangyari po, dinala po namin sa ospital anak n'yo." Blag. Hello, hindi po ako dugu-dugo gang,pramis!

Dumating rin ang mga magulang. Nauna ang tatay, na halos di rin makapagdesisyon. Iniwan pa niya uli si Roger sa ER para hagilapin ang nanay, na teacher sa St. Claire at "Babe" ang tawag sa asawa. "Babe, hindi kasi sinundo agad ng traysikel mo si Roger, naku Babe makakatikim na sa 'kin 'yang tao mo." Malamig at malambing ang boses ng nanay ni Roger sa anak, authoritative at inquisitive ang tono sa ER staff, galit pero sibilisado sa driver ng service, maternal at forgiving sa akin.

Sugod din naman sa ospital si Tita Paola at Dino, moral support at usyoso. Sabi ng nanay ni Roger, sa boses niyang kabigha-bighani, "Ganyan talaga ang mga bata, wala tayong magagawa. Tsaka, ilambeses na rin naman nangyari ito e (meaning malamang na na-disgrasya ang anak niya)."
Sagot naman si Tita Pao, sa pagtatangkang maging so agreeable para makuha ang loob ng naatraso, "O nga ho, kay Anton din, ilambeses na rin naman nangyari ito, hehehe."
Ooopps.

Tinanong si Roger, bakit naman di agad sila nagsabing me sugat siya. "Kasi po, ayaw na po namin ni Anton na may madamay pang iba." Nilunok ko ang Nye! na nagpumiglas sa lalamunan ko.

Badtrip naman si VJ Rubio sa ospital, mertayoleyt lang daw dapat 'yun, "Pinalalaki nila away bata!" Sabi naman ni Benrey Densing, naranasan na niya ang parehong matulak at maputok ang ulo, at ang makatulak at maputok ang ulo ng tinulak niya. Mas na-trauma daw siya nu'ng siya ang nakatulak. Kala niya nakapatay na siya.

Pero si Anton, sa buong panahon ng mga pangyayari: tameme, parang nalunok ang sariling dila, walang masabi.

Noong pauwi ako sa bus nun, umaapaw ang utak ko sa kaiisip: ang pagkalapit sa aksidente ng mga bata, at ang dami ng mga taong dapat kong kausapin at paliwanagan, at kung anubang life lesson na ipasusungkit ko kay Anton sa karanasang ito, at ang gastos sa ospital, na unconsciously kinukuwenta ko na palang pantuition na sana sa kumon this month, pambili nung motherboard na kelangang-kelangan ko, o pang-iskor ng bikini para sa trip to Palawan.... nang mapansin ko 'yung katabi kong mama, may hawak na isang bugkos ng mga riseta, mabaho at gula-gulanit ang damit, tulirong nawawalang bumaba sa tapat ng kidney institute, nagkandahubad pa ang pudpod niyang tsinelas. Lalo akong napaisip. Bakit lagi na lang mga mamang nakasuot ng pudpod na tsinelas ang aking nagiging mga Angel of History?

Ngayon, kinabukasan ng mga pangyayari, nagrekwes si Anton na sunduin daw siya ng maaga, tutal wala naman din daw si Roger sa school. Samantala, andito ako, pumapatay ng oras, pero dapat tumatawag na ako uli ngayon sa bahay nila Roger para kumustahin ang bata at makipag-usap - nanay sa nanay - isusuot ko ang boses kong may kontrol at sigurado sa ginagawa. Pero para akong si Anton ngayon, 9 years old, bagong bungi ang ngipin at medyo overweight, di-sinasadyang nakaaksidente, tameme, parang nalunok ang sariling dila, walang masabi.

kilometer zero


kilometer zero, originally uploaded by pia ipil.

hot off the press :)

bagong magasin namin nila vj rubio, benrey densing, mark de leon at erwin pascual (walang malisya, pramis); kolumnista dito sila prof reagan maiquez at prof carlos piocos at dada docot ng tokyo university.

para sa milyong migranteng mga pilipino, isang paraan ito ng pagtanong at pagsagot namin sa katagang "kumusta na?"

*** LIBRE lang sa mga suking tindahan sa japan at singapore.

Monday, November 27, 2006

Photo Exhibit ni Tata Gil

IN the course of being on assignment for another purpose, it occurred to me to extend the scope of my photographic documentation of war's effects on children in my travels to the ARMM (autonomous region of muslim mindanao) and the sites of MILF (Moro Islamic Liberation Front) strongholds in Cotabato, Basilan and Sulu from 2003 to 2005.

The images from this exhibit are the result of that effort.

-- Gil Nartea

Nakasabit pa:

'Children in Conflict Situations - A Photography Exhibit by Gil Nartea'
The Oarhouse, 1803 A. Mabini St., Malate, Manila

Monday, October 30, 2006

I googled Google

at nalaman kong dapat ata akong mag-apologize? sabi kasi *daw sa site nila:

A trademark is a word, name, symbol or device that identifies a particular company's products or services. Google is a trademark identifying Google Inc. and our search technology and services. While we're pleased that so many people think of us when they think of searching the web, let's face it, we do have a brand to protect, so we'd like to make clear that you should please only use "Google" when you’re actually referring to Google Inc. and our services.

Here are some hopefully helpful examples.

Usage: 'Google' as noun referring to, well, us.
Example: "I just love Google, they're soooo cute and cuddly and adorable and awesome!"
Our lawyers say: Good. Very, very good. There's no question here that you're referring to Google Inc. as a company. Use it widely, and hey, tell a friend.

Usage: 'Google' as verb referring to searching for information on, um, Google.
Example: "I googled him on the well-known website Google.com and he seems pretty interesting."
Our lawyers say: Well, we're happy at least that it's clear you mean searching on Google.com. As our friends at Merriam-Webster note, to "Google" means "to use the Google search engine to find information about (as a person) on the World Wide Web."

Usage: 'Google' as verb referring to searching for information via any conduit other than Google.
Example: "I googled him on Yahoo and he seems pretty interesting."
Our lawyers say: Bad. Very, very bad. You can only "Google" on the Google search engine. If you absolutely must use one of our competitors, please feel free to "search" on Yahoo or any other search engine.

Natuto na raw sila sa kaso ng colgate na Close-Up, frigidaire na GE, o coke na RC Cola, sa cellophane, thermos at zipper. Naku pano na sila Oxford at Merriam. Hm, (kebs muna sa adsense haha) masakit naman talaga siguro maging generic (maliban lang kung maysakit ka. haha), pero mapapailing ka na lang talaga dahil alam naman nating hindi simpleng pangalan lang ang pinag-uusapan dito.

Monday, October 09, 2006

Talking with the dead

Isang bagay na nakakairita sa pakikipag-usap sa mga patay ay kailangan kong pagtiisan ‘yung nakakakilabot nilang sense of humor. Kapag magpapaalam na sila, magbibitiw ba naman ng “Hanggang sa muli.” “Later” O kaya, “kita-kits.” Ang malala, minsan bigla silang susulpot at babatiin ako ng simpleng “Mabuhay.” Deadpan ha.

Tulad noong isang gabi sa attic, kausap ko ang multo ni Leona Florentino. Mayroon akong ilang bagong tula, at kanino ko pa ba naman ito ipapa-workshop at critique kundi sa tinaguriang “first female poet” ng Pilipinas. (At least, ayon sa historyador ng mga Espanyol. Alam naman natin ang mayamang oral tradition ng ating kultura, ang ilanlibong taon nating mga tula, awit at kuwento na ipinasa sa pamamagitan ng storytelling, kaya, halos walang material documentation. Malamang ang pinakaunang mga makata ay ang mga babaylan na umaawit ng ilang oras, o araw, ng mga epiko - ispontanyo, kagyat, eksatong hinahabi at binuburda ang naratibo ng kanyang mga tao.) Anyway, matagal na binasa ni Leona ang mga tula, at sinabi ng binibining mas maganda kung animation na lang ang mga ito. Kakakilabot, ‘di ba.

Simpayat ko si Leona, pero mas sakitin siya. Nalaman ko ito mula pa lang sa kauna-unahan naming pagtatagpo nang mag-aparisyon siya sa salamin habang nagsesepilyo ako, at bumulwak ng dugo ang kanyang bibig nang tawagin niya ang aking pangalan. Parang wala na ring itataba pa talaga ang katawan niya, kahit sobrang hilig niyang kumain. Siguro hindi lang talaga nagkakabilbil pa ang mga sumakabilang buhay na. Alas tres ng madaling araw, at magpipiyesta kami ni Leona sa tuna sashimi, Hershey’s bitter dark chocolates, at Boy Bawang na pinabili ko pa kay Anton noong maaga-aga pa.

Minsan, babasa-basahin niya ang mga tula ko, o ‘yung lineup ng articles sa ineedit kong magazines. Pero madalas, nagtsi-tsimisan lang kami. Magkukuwento siya tungkol sa asawa niyang minsang nagbigay ng ultimatum: “Choose between me or your silly verses!” Magpapasikat naman ako ng istorya ng daring escapades ko, este, mga kaibigan ko, sa bakasakaling ma-shock ko ang kanyang convent upbringing. (Lagi naman akong nabibigo). Ibubulong niya sa tenga ko ang pangalan ng mga taong nakita niyang patungo sa impiyerno. Buhay na buhay ang mga pag-uusap namin (pun intended). Walang dead air (unintended). Magkukuwento siya sa akin tungkol sa nakaraan; isasalaysay ko sa kanya ang tungkol sa kasalukuyan. Pero walang makapagsabi sa amin ng mangyayari sa hinaharap. What do you expect - multo lang siya, at tao lang naman po ako (o diyosa, sometimes).

Noong bisperas ng martial law anniversary, may ipinakita ako sa kanyang isang listahan ng mga pangalan ng desaparecidos, mga taong biglang nawala noong panahon ng Marcos dictatorship hanggang sa administrasyon nila Cory, Ramos, Erap, at Arroyo. Malaki ang posibilidad na biktima ang mga ito ng warantless arrests, tortyur o summary executions; marami kasi sa kanila ay nagpumiglas laban sa kalabisan ng pamahalaan. Pero dahil wala pang nakikitang bangkay ni kapiraso nilang pagkakilalan, patuloy na naghihintay ang kanilang mga mahal sa buhay, naghahagilap ng isang kongkretong ending sa deka-dekadang paghahanap.

“I may or may not have met some of them,” sabi ni Leona, scanning the list. “Ghosts don’t go around wearing IDs, therefore I cannot be so sure. And supposing that I bump into one of them roaming our dimension, would the relatives gain closure if you say that you are certain their kin is dead because a ghost told you so?” Hihirit na naman si Leona – patay kang bata ka.

Dios mio! You shouldn’t think that a ghost like me can clear the air after years of plunder, killings, and human rights abuses hindi lang ni Makoy, pero lahat silang mga presidenteng sumunod pa. The answer lies not with the dead and buried; it must come from living, breathing people like you who could demand and take action so that persons responsible for such injustice pay up and the system that allows it be changed.”

Dead right, sang-ayon ko sa kanya. Inabot ko ang kanyang kamay, at tumagos ang hawak ko sa blangko, pero mabigat na espasyo. Samantala, magsisindi ako ng kandila para sa mga kaluluwang gala.


Image hosted by Photobucket.com