Sunday, January 14, 2007

Sorry for the inconvenience

Panis na ang lahat ng naisip kong i-post sa blog na ito, lalo na ngayon andami sanang photos. Minsan kasi parang diva-divahan masyado dito. Deadpan (tulad ko raw sa totoong buhay), kahit sa pinaka-personal at intimate na mga kuwento. Well well well. Dahil bagong taon, may ibabahagi akong dalawang sikreto kung bakit di nau-update ito: (1) mayroon ako ngayong addiction (affliction?) na very select few lang ang nakakaalam; at (2) sa totoo lang, meron talaga akong isa pang blog na aliw na aliw na aliw ako sa titulo. Doon ko nilalagay ‘yung tipo ng mga istoryang hindi ko ikukuwento, unless naka-tatlong istik na ako. At ang raunchy ng posts pare (hahaha asa pa). Pero sikreto muna (maliban sa lurkers). You see, merong security issues... hehehe feeling.

Naalala ko sa title ng post na ito ‘yung book launch ko noong high school. Ang title ng programa, ‘sorry for the inconvenience.’ Bukod sa ibang seryosong mga katwiran sa likod ng titulo, naisip naming swak rin kasi kailangan pang sumadya ng mga tao at mga taga-makiling sa dreams cafe sa malate para sa launch (weno, naka-coaster naman sila c/o CCP). At aliw kami noon dun sa isang kanta ng agaw agimat kung saan sa simula, sisigaw si QT ng “Sorry for the inconvenience, this is where your taxes go!” Cut & pasted & xeroxed pa ‘yung program notes, na si Kerima ang gumawa. Ginawan din niya ako dun ng illustration, itsura ko noong high school: black shirt, OA sa aksesorya (singsing each finger, 3 earring each earlobe, bracelets, beads, etc) cutoff denim shorts, may anklets, naka-paa, at di-sinusuklay ang mahabang nakalugay na buhok.

May nagbasa ng mga tula. Tumugtog ang mga kaibigan namin ng mga kanta mula sa mga tula sa libro. Nag-ballet sina Donna Miranda at Nina Hayuma Habulan sa ritmo ng tula ko tungkol sa paghahayuma ng mga mangingisda. Pagkatapos, nag-inuman kami. Nalalasahan ko pa ‘yung Japanese tea cakes na binigay sa akin ng may-ari ng bar. Wala akong manners nang pinasalamatan ko lang thru the waiter at di man lang inanyayahan sa aming mesa, a few seconds lang ako chumika sa table ng supportive friends & collegues ni Papa, di man lang nagpasalamat nang ireview ako ni Juaniyo Arcellana at marami pang ibang kagagahan. Itong mga taong ito, sa susunod na mga taon, ay bibigyan kami ng breaks at hanggang ngayon nangingiwi ako kapag naaalala ko ‘yung katangahan, kaarogantehan, kalituhan at sobrang kaligayahan ng aking 15-year-old self.
Photobucket - Video and Image Hosting
Minsan (madalas?) nagre-resurface ang 15-year old. At in a few weeks, birthday ko na. At in a few more years... You know what they say about the Big 3-0. All that wisdom, sophistication, the peak of sexuality and getting away with it.

Teka. Anu'ng pinagkaiba nun sa kinse anyos?

18 Comments:

At January 15, 2007 3:57 AM, Blogger guillerluna ay nagsabing...

oo nga naman, anong ipinagkaiba nun sa kinse anyos?! hahahaha!

grabe nalasap mo na ang tagumpay nung kinsea anyos ka pa lang, da. di bale, kinse anyos din ako nang nalsahan ko ang "alat na ikinintal s abalat." bwehehehehe. joke. hahahahha...

sa'n ang secret blogelya mo?

ya BIGgest fan,
stan

 
At January 15, 2007 4:02 PM, Blogger anamorayta ay nagsabing...

one of these days ibubulong ko sa 'yo ang URL (at sasabihin mo, "oo nga noh!").in the meantime hanapin mo na lang, use your lurker skills. hehe. at please napapalunok ako dyan sa alat-alat portion. kinakabahan kase ako para sa sarili ko. hahaha.

 
At January 18, 2007 5:52 PM, Blogger gingmaganda ay nagsabing...

ako forever naman akong sweet 16. uy. dada, when i get out of my death bed, labas na talaga tayu. bertdey mo na and everything. hehehe

malubha ang sipon,
ginggay

 
At January 21, 2007 5:14 PM, Blogger adarna ay nagsabing...

hoy!

kinakabahan din ako. ewan. charmos lang!

psst, happy birthday at nawa'y natanggap mo ang text mensahe ko. kelan kaya tayo? so wat nga sabi mo dava? basta nandito lang akez.

at dahil dyan, salubungin natin ang ilang taon pang 30 anyos sa ngalan ng OLAY TOTAL EFFECTS!

hala!

 
At January 23, 2007 8:09 AM, Blogger gingmaganda ay nagsabing...

mahal ng olay total effects! mahigit 600+ isang maliit na bote. pangmayaman lang harhar.

bakit pagkatapos mo magsex, ang danda-danda mo, pero pag lagi ka na nakikipagsex, nagmumukha ka na, according to my nanay, ay, "nasipsip na ang kabanguhan?" do you tell your partner not to inhale too much?

 
At January 23, 2007 4:36 PM, Blogger anamorayta ay nagsabing...

adarna! yez nakuha ko ang text, ang tanong nakuha mo ba ang reply ko? nagpasalamat lng naman ako at sinabing touched ako. simple at cliche. pero yun naman talaga eh. maraming salamat sa pag-alala. kelan nga ba? itetext kita pag napadpad ako sa the block? (ibig sabihin malapit na senyo.) sa cyberespasyo lng ba tayo magtatagpo nowadays?

... na siya ring sasabihin ko kay...

ging! ang sikreto ata d'yan, ay moderasyon. ahehehehe. problema lang, relatibo ito. i-sched mo kaya, MTF? o kaya within ofc hours, para di nakakapuyat? at bakit ba ako nagdi-dispense ng sex advice dito? column ko ba ito? cmc lobby ba ito? 1998 pa ba?

 
At January 28, 2007 12:27 PM, Blogger adarna ay nagsabing...

ginggay!

ay sus, ang mahal nga ng olay total effects na yan, peste! pangarap na lang para sa ating mga dukha ang maging kamukha si miriam quiambao ganun ba un? 'ang dame!'

dadadu,

kita tayo sa da block. lalo na kapag may show uli dun si sarah geronimo. napanood ko siya noong typhoon milenyo. ay, day, para akong nilipad sa mars! saka yung album launch din ng APO tribute album dun ko na-sight. nakipagsiksikan ako sa mga black-clad jologs/pseudo-punks/uziseros sa gitna ng da block.

dun ko rin nakasalubong kaninang umaga si tia pusit habang nag-jojogging siya at ako nama'y naglalakad-lakad.

hala!

 
At January 28, 2007 3:02 PM, Blogger anamorayta ay nagsabing...

adarna,
celeb sightings here and there. and now you're on your way to darna.

pero dont you ever forget this:

you are a celebrity too!

nyahahaha sorry napadpad lang kase ako sa isang selfhelp website.

mami, im so excited na to sense the 1-minuter! :)

 
At January 29, 2007 10:09 PM, Blogger adarna ay nagsabing...

mamu!

di ko kinaya! galing ako sa condo ni dennis trill-yum kanina! waaaah!

suddenly i feel like a celebrity too. hehe

 
At January 31, 2007 11:33 AM, Blogger guillerluna ay nagsabing...

at dahil diyan, adarna. ikukuywento ko sa iyo ang isnag mnunting pantasya ko pag nagkita na uli tayo.... hahahaha

 
At February 02, 2007 4:50 PM, Anonymous Anonymous ay nagsabing...

baliw ka pa din. happy new year! -- yam

 
At February 08, 2007 4:52 PM, Blogger anamorayta ay nagsabing...

hi yam!!! :) mustasa? salamat sa pagbisita. happy new year din!

May your coming year be filled with magic and dreams and good madness. I hope you read some fine books and kiss someone who thinks you're wonderful, and don't to forget make some art -- write or draw or build or sing or live as only you can. And I hope, somewhere in the next year, you surprise yourself.

- Neil Gaiman (ok, so 2001 pa niya ito sinabi)

 
At February 14, 2007 1:50 AM, Blogger guillerluna ay nagsabing...

napanood ko na yung kabataan teaser... at syempre... ang masasabi ko lang ay... so ana morayta... bwehehehe

 
At February 15, 2007 4:14 PM, Blogger anamorayta ay nagsabing...

truly, :/ di ata ako mauubusan ng gamit sa 'pinagmumuntik-muntikanan,' 'sumuway,''mapangahas,' at 'matalas.' hehe

 
At March 09, 2007 10:54 AM, Anonymous Anonymous ay nagsabing...

hay ulitin ko ang koment kong nabura ng kaignorantehan sa teknolohiya:

kung minsan napapamuni-muni akong mag-isa sa gitna ng kadawagan kung nasaan na kaya, sabi nga ni bobby balingit ang dating katawan... hehehe.. laluna't minsan nasa FM ang lumang kanta ni sharon cuneta na may pagka-manic ang chorus, at katono naman ang verse ng "sama sama sa tawanan, sabay-sabay sa pagkain..." if u kno dat oder song from st. minsan nakita ko rin sa textbuk ng grade school ang isang krudong illustration ng theater sa makiling, ipinagtapat ko sa bata na duon ako naghighschool pero syempre hindi naman siya naniwala... "hambog man ngaya ni auntie!" sabi pa ng walang malay. tinuturo ko rin sa kanila na si emilio aguinaldo taksil at hindi naman bayani, tsaka ipinagdodrowing ng tuta na me malaking nunal na parang kay ate guy.

haaay!!! tumatanda na ba tayo? minsan ang saya-saya ko rito maski walang nilalamon, in a 'hamak na mukha ng katuparan" kind of way like sonia says, naaaning tuloy ako na baka makurtcobain ng cabinet oversight comittee on internal security one of these days...akraid hehehe! anu na nga email mo? me mga new poems ako gusto ipabasa at nagiging hyper ulit sa pagsusulat...

k

 
At March 09, 2007 8:59 PM, Blogger anamorayta ay nagsabing...

sa iyo k:

ikaw ang nasa mainframe ng memorya ko sa post na ito. ang kahinaan ko - isinulat ko siya ayon lang sa nakaraan; sa pagmensahe mo ngayon lalong lumitaw sa akin, wala pala akong naging pahintulot sa kasalukuyan sa post na ito.

ikaw noon, katabi ko sa dreams cafe at ikaw ngayon, nasa "gitna ng kadawagan"... ang daming hindi ko nasabi tungkol sa pagtanda.

isend mo na ang mga tula sa dada.nartea@gmail.com, go!

"at ako tumatanda naman...
pero wala pa ring balakang"
- tula mong "disisyete,' 1998(?), para sa akin :)

 
At March 19, 2007 4:56 PM, Blogger gingmaganda ay nagsabing...

hi dadu,
moderasyon? once a month? or as needed? putah! anong needed? baka in case of emergency?

hooooy, yung date natin.

adarna!

ayaw kong maging kamukha si miriam quiambao. mas maganda ako dun. gwahahah

 
At June 25, 2007 5:30 PM, Anonymous Anonymous ay nagsabing...

asan ba yung blogerla mo talaga?
ngayon ko lang nakita ang adres mo kaya ngayon ko lang isend tula. chaka ng kaignorantehan sa technology!

k

 

Post a Comment

<< Home


Image hosted by Photobucket.com