Sunday, January 14, 2007

Sorry for the inconvenience

Panis na ang lahat ng naisip kong i-post sa blog na ito, lalo na ngayon andami sanang photos. Minsan kasi parang diva-divahan masyado dito. Deadpan (tulad ko raw sa totoong buhay), kahit sa pinaka-personal at intimate na mga kuwento. Well well well. Dahil bagong taon, may ibabahagi akong dalawang sikreto kung bakit di nau-update ito: (1) mayroon ako ngayong addiction (affliction?) na very select few lang ang nakakaalam; at (2) sa totoo lang, meron talaga akong isa pang blog na aliw na aliw na aliw ako sa titulo. Doon ko nilalagay ‘yung tipo ng mga istoryang hindi ko ikukuwento, unless naka-tatlong istik na ako. At ang raunchy ng posts pare (hahaha asa pa). Pero sikreto muna (maliban sa lurkers). You see, merong security issues... hehehe feeling.

Naalala ko sa title ng post na ito ‘yung book launch ko noong high school. Ang title ng programa, ‘sorry for the inconvenience.’ Bukod sa ibang seryosong mga katwiran sa likod ng titulo, naisip naming swak rin kasi kailangan pang sumadya ng mga tao at mga taga-makiling sa dreams cafe sa malate para sa launch (weno, naka-coaster naman sila c/o CCP). At aliw kami noon dun sa isang kanta ng agaw agimat kung saan sa simula, sisigaw si QT ng “Sorry for the inconvenience, this is where your taxes go!” Cut & pasted & xeroxed pa ‘yung program notes, na si Kerima ang gumawa. Ginawan din niya ako dun ng illustration, itsura ko noong high school: black shirt, OA sa aksesorya (singsing each finger, 3 earring each earlobe, bracelets, beads, etc) cutoff denim shorts, may anklets, naka-paa, at di-sinusuklay ang mahabang nakalugay na buhok.

May nagbasa ng mga tula. Tumugtog ang mga kaibigan namin ng mga kanta mula sa mga tula sa libro. Nag-ballet sina Donna Miranda at Nina Hayuma Habulan sa ritmo ng tula ko tungkol sa paghahayuma ng mga mangingisda. Pagkatapos, nag-inuman kami. Nalalasahan ko pa ‘yung Japanese tea cakes na binigay sa akin ng may-ari ng bar. Wala akong manners nang pinasalamatan ko lang thru the waiter at di man lang inanyayahan sa aming mesa, a few seconds lang ako chumika sa table ng supportive friends & collegues ni Papa, di man lang nagpasalamat nang ireview ako ni Juaniyo Arcellana at marami pang ibang kagagahan. Itong mga taong ito, sa susunod na mga taon, ay bibigyan kami ng breaks at hanggang ngayon nangingiwi ako kapag naaalala ko ‘yung katangahan, kaarogantehan, kalituhan at sobrang kaligayahan ng aking 15-year-old self.
Photobucket - Video and Image Hosting
Minsan (madalas?) nagre-resurface ang 15-year old. At in a few weeks, birthday ko na. At in a few more years... You know what they say about the Big 3-0. All that wisdom, sophistication, the peak of sexuality and getting away with it.

Teka. Anu'ng pinagkaiba nun sa kinse anyos?


Image hosted by Photobucket.com