Tuesday, July 25, 2006

Mata-mataya

Nagmamata-mataya sila Anton.
Sa bersyon nila, pwedeng pumili ng alias ang bawat isa. Pero ang balagoong, sila ang nagbinyag. Black Gloria ang napili nilang alyas nung batang laging taya. Maya-maya, gusto nang umuwi ni Black Gloria. Napoo-poopoo daw. Teka, sabi ni Anton kay Black Gloria. Magdeklara ka muna ng state of emergency! Kaya pormal na ipinatupad ni Black Gloria ang state of emergency at mabilis na nagbanyo. Nabuwag at nagsiuwian ang barkada. Si Anton, kuwento ng kuwento habang naliligo. Tawa naman ako ng tawa habang kinukuskos ang marumi niyang siko.


Image hosted by Photobucket.com