I googled Google
at nalaman kong dapat ata akong mag-apologize? sabi kasi *daw sa site nila:
A trademark is a word, name, symbol or device that identifies a particular company's products or services. Google is a trademark identifying Google Inc. and our search technology and services. While we're pleased that so many people think of us when they think of searching the web, let's face it, we do have a brand to protect, so we'd like to make clear that you should please only use "Google" when you’re actually referring to Google Inc. and our services.
Here are some hopefully helpful examples.
Usage: 'Google' as noun referring to, well, us.
Example: "I just love Google, they're soooo cute and cuddly and adorable and awesome!"
Our lawyers say: Good. Very, very good. There's no question here that you're referring to Google Inc. as a company. Use it widely, and hey, tell a friend.
Usage: 'Google' as verb referring to searching for information on, um, Google.
Example: "I googled him on the well-known website Google.com and he seems pretty interesting."
Our lawyers say: Well, we're happy at least that it's clear you mean searching on Google.com. As our friends at Merriam-Webster note, to "Google" means "to use the Google search engine to find information about (as a person) on the World Wide Web."
Usage: 'Google' as verb referring to searching for information via any conduit other than Google.
Example: "I googled him on Yahoo and he seems pretty interesting."
Our lawyers say: Bad. Very, very bad. You can only "Google" on the Google search engine. If you absolutely must use one of our competitors, please feel free to "search" on Yahoo or any other search engine.
Natuto na raw sila sa kaso ng colgate na Close-Up, frigidaire na GE, o coke na RC Cola, sa cellophane, thermos at zipper. Naku pano na sila Oxford at Merriam. Hm, (kebs muna sa adsense haha) masakit naman talaga siguro maging generic (maliban lang kung maysakit ka. haha), pero mapapailing ka na lang talaga dahil alam naman nating hindi simpleng pangalan lang ang pinag-uusapan dito.
Talking with the dead
Isang bagay na nakakairita sa pakikipag-usap sa mga patay ay kailangan kong pagtiisan ‘yung nakakakilabot nilang sense of humor. Kapag magpapaalam na sila, magbibitiw ba naman ng “Hanggang sa muli.” “Later” O kaya, “kita-kits.” Ang malala, minsan bigla silang susulpot at babatiin ako ng simpleng “
Mabuhay.” Deadpan ha.
Tulad noong isang gabi sa attic, kausap ko ang multo ni Leona Florentino. Mayroon akong ilang bagong tula, at kanino ko pa ba naman ito ipapa-workshop at critique kundi sa tinaguriang “first female poet” ng Pilipinas. (At least, ayon sa historyador ng mga Espanyol. Alam naman natin ang mayamang oral tradition ng ating kultura, ang ilanlibong taon nating mga tula, awit at kuwento na ipinasa sa pamamagitan ng storytelling, kaya, halos walang material documentation. Malamang ang pinakaunang mga makata ay ang mga babaylan na umaawit ng ilang oras, o araw, ng mga epiko - ispontanyo, kagyat, eksatong hinahabi at binuburda ang naratibo ng kanyang mga tao.) Anyway, matagal na binasa ni Leona ang mga tula, at sinabi ng binibining mas maganda kung animation na lang ang mga ito. Kakakilabot, ‘di ba.
Simpayat ko si Leona, pero mas sakitin siya. Nalaman ko ito mula pa lang sa kauna-unahan naming pagtatagpo nang mag-aparisyon siya sa salamin habang nagsesepilyo ako, at bumulwak ng dugo ang kanyang bibig nang tawagin niya ang aking pangalan. Parang wala na ring itataba pa talaga ang katawan niya, kahit sobrang hilig niyang kumain. Siguro hindi lang talaga nagkakabilbil pa ang mga sumakabilang buhay na. Alas tres ng madaling araw, at magpipiyesta kami ni Leona sa tuna sashimi,
Hershey’s bitter dark chocolates, at
Boy Bawang na pinabili ko pa kay Anton noong maaga-aga pa.
Minsan, babasa-basahin niya ang mga tula ko, o ‘yung lineup ng articles sa ineedit kong magazines. Pero madalas, nagtsi-tsimisan lang kami. Magkukuwento siya tungkol sa asawa niyang minsang nagbigay ng ultimatum: “Choose between me or your silly verses!” Magpapasikat naman ako ng istorya ng daring escapades ko, este, mga kaibigan ko, sa bakasakaling ma-shock ko ang kanyang convent upbringing. (Lagi naman akong nabibigo). Ibubulong niya sa tenga ko ang pangalan ng mga taong nakita niyang patungo sa impiyerno. Buhay na buhay ang mga pag-uusap namin (pun intended). Walang dead air (unintended). Magkukuwento siya sa akin tungkol sa nakaraan; isasalaysay ko sa kanya ang tungkol sa kasalukuyan. Pero walang makapagsabi sa amin ng mangyayari sa hinaharap. What do you expect - multo lang siya, at tao lang naman po ako (o diyosa, sometimes).
Noong bisperas ng martial law anniversary, may ipinakita ako sa kanyang isang listahan ng mga pangalan ng desaparecidos, mga taong biglang nawala noong panahon ng Marcos dictatorship hanggang sa administrasyon nila Cory, Ramos, Erap, at Arroyo. Malaki ang posibilidad na biktima ang mga ito ng warantless arrests, tortyur o summary executions; marami kasi sa kanila ay nagpumiglas laban sa kalabisan ng pamahalaan. Pero dahil wala pang nakikitang bangkay ni kapiraso nilang pagkakilalan, patuloy na naghihintay ang kanilang mga mahal sa buhay, naghahagilap ng isang kongkretong ending sa deka-dekadang paghahanap.
“I may or may not have met some of them,” sabi ni Leona, scanning the list. “Ghosts don’t go around wearing IDs, therefore I cannot be so sure. And supposing that I bump into one of them roaming our dimension, would the relatives gain closure if you say that you are certain their kin is dead because a ghost told you so?” Hihirit na naman si Leona – patay kang bata ka.
“
Dios mio! You shouldn’t think that a ghost like me can clear the air after years of plunder, killings, and human rights abuses hindi lang ni Makoy, pero lahat silang mga presidenteng sumunod pa. The answer lies not with the dead and buried; it must come from living, breathing people like you who could demand and take action so that persons responsible for such injustice pay up and the system that allows it be changed.”
Dead right, sang-ayon ko sa kanya. Inabot ko ang kanyang kamay, at tumagos ang hawak ko sa blangko, pero mabigat na espasyo. Samantala, magsisindi ako ng kandila para sa mga kaluluwang gala.