Kaset teyp, songhits, bayaning robot atbp.
Sawa ka na ba sa mga hassle sa buhay mo? Ayaw mo na bang mag-isip para sa sarili?Tinatamad ka na bang bumiyahe?Ang gusto mo'y nakahiga na lang?Napapagod ka na ba sa kayayakap sa asawa mo?
Kaya naman para bang pinupuntirya rin ng Eraserheads ang sarili – na isang magandang bagay -- lalo na sa kantang ”Superproxy 2k6” ni Francism (at Ely Buendia) dahil sa pagkahumaling sa "artipisyal na aliw” na dala ng midya, lalo na sa mga bagong daluyan nito sa teknolohiya. Bukod sa makabuluhan, mahusay din ang bago at makabagong bersyong ”2k6” ng ”Superproxy.” Mula sa "Ligaya,” isinasalarawan nito kung gaano na kalayo ang saklaw ng paksa at interes ng Eraserheads sa paglipas ng panahon...
Matapos ang kung ilang pagtambay sa mga konsyerto, libu-libong yosi at kwatro kantos, pagkabaliw ng mga kaibigan, pagdating at paglaki ng mga anak, at mga pagbabago sa teknolohiya na hindi na masundan – tuloy pa rin ang pagrurok, paghupa, pagrurok ng eksena.
Nostalgia, ang pagtupok dito at iba pang tips - bisita lang sa www.rebyuhan.blogspot.com
0 Comments:
Post a Comment
<< Home