Friday, February 17, 2006

Karma

Image hosting by Photobucket
AKO: Hindi ka nag-aaral, tsumatsamba ka lang sa exams mo. Ni hindi mo binubuklat notebooks mo kung 'di pa tayo magpipilitan. Wala ka man lang ka effort-effort! Ang yabang-yabang mo, kala mo lagi ka na lang makakalusot? Kala mo lagi mo nang madadaan mo sa tsamba grades mo? 'Yan na lang naman ang hinihiling ko sa iyo. Hindi mo man lang pantayan mga paghihirap ko sa 'yo. Dala-dalawa, tatlo-tatlo trabaho ko para lang buhayin ka. Ok lang naman sa kin 'yun pero sana naman tapatan mo rin 'yan ng pag-aaral mabuti. Pagod na 'ko, Anton! Alam mo 'yun! Grabe!

Nakayuko siya, nakakunot ang noo, pailing-iling minsan. Nang sabihin kong "pagod na ako," napatingin siya sa akin sa paraang feeling ko, punung-puno ng awa at pag-unawa.

Nang magsalita ang bugoy, me kahalong palatak, mukhang problemadong problemado't mangiyak-ngiyak pa.


SIYA: Kasi naman Dada, ba't nagkaanak kasi ka agad. 'Yan tuloy nahihirapan ka. Tsk, tsk, tsk.

5 Comments:

At February 18, 2006 12:42 AM, Blogger guillerluna ay nagsabing...

wahehehe. kinuwento ko ito sa ilang kapitbahay niyo. ahehehe. mahirap-masarap ang magkaanak na tulad ni anton sa panahon ng digma. ahehehe. tawag namin nina caloy at jeeu sa kapitbahay nilang ito: pinakamatandang 8-year old. habang ang tawag niya sa akin ay big show. ahehehe.

 
At February 20, 2006 1:09 AM, Blogger katmac ay nagsabing...

parang ang tanda tanda na ni anton!

 
At February 20, 2006 12:42 PM, Blogger anamorayta ay nagsabing...

harsh but true. sabi ka ni xavier, pwede na niyang ituro sa akin ang tama at mali. :)

 
At February 26, 2006 1:42 PM, Blogger gingmaganda ay nagsabing...

oo nga naman, bakit naman kasi nag-anak ka kaagad. ngunit, kung hindi ngayon, kelan?
ang cute ni anton. sana magkita sila ni kaloy minsan. magsama ang mga bugoy.

 
At March 01, 2006 4:09 AM, Blogger admin ay nagsabing...

ahehehehe!! naiimbey na rin ako kay kriket, ang tawag ko sa kaya nowadays ay asungot, nakakatamad na kasi makipaglaro pag ikaw lang ang gustong kalaro. charot

 

Post a Comment

<< Home


Image hosted by Photobucket.com